Wednesday, May 16, 2012

Top 5 Invented Philippine Games

TOP 5: MAY I TOUCH YOUR HAND

AWARD: MOST EXHAUSTING GAME,  YOU AND ME AGAINST THE WORLD AWARD, etc.(format: *insert cheesy line* AWARD) :))

Sa game na ito ako sobrang pinagpawisan to the max level. Haha. Ang ganda nung timing nung pagvolunteer ko para maging taya. Feel ko mas enjoy maging taya kaysa maging gwardiya kahit na parang unfair lang ung rules. e.g. pag nabreak ung bond nung circle e aayusin ulit. Para kasing pwedeng sadyain ung pagbreak ng bond para di makahawak ng kamay ung mga taya. 

VARIATION: Wala ng restrictions sa taya. Pwede ng pumasok sa loob ung mga taya. Pwede ring magbreak ng bonds ang mga guards.

MVP: Si FITZ na lang. Kami na lang ni ABI ung MVC (Most Valuable Couple) Joke. (Lagot nko pag nabasa ni Krizelle to (Oops ulit!) :)))
ROCK ON METER

TOP 4: PARES PANYO!

AWARD: MOST INNOVATIVE

Ang galing ng (mga) nakaisip ng game na ito. Napakainnovative kasi nito. Wala akong maisip na game na minodify or ginayahan ng mechanics para mabuo ung idea ng mechanics ng game.

Parang nandaya ako sa game na ito. Nakapants kasi ako tapos sa pinagsusuotan ng belt(sorry. di ko alam ang tawag) ko nilagay yung panyo. So lahat nung nagattempt na kunin ung panyo ko ay nagfail. Hahaha. 

Meron ung ibang groups na never give up ang mode. Hahaha. Tipong nakuha na't lahat lahat ung panyo nila pero di pa rin bumibitaw. :))

VARIATION: Kailangan na din isabit ung mga nakuhang panyo sa likod. Parang NBA playoffs na ung magiging scheme ng game. Kailangan makakuha ng panyong kasindami ng mapagdedesisyunan ng mga moderators para makapasa sa next round. 

MVP: KRIZIA at ALEX. Andami nilang nakukuhang panyo.


TOP 3: AWAY NG MGA KOMANG

ROCK ON METER

AWARD: MOST BRUTAL GAME

Actually, ung mechanics ng game na ito halos kapareho ng naisip ng group namin as variation nung Buwan-Buwan. Kaso napag-usapan naming gawin na lang invented game namin kaya di na lang namin ginawang variation. Ewan ko ba kung bakit di na namin naalala na may idea na kaming ganito for invented game.

Ito para sakin ang naging pinakabrutal para sa akin dahil dito ako nagka-"minor" injury. Haha. Dahil so sobrang pagkacompetitive ng group nila Fred, napasobra ung talon nya para abutin ang ulo ko. Pagkababa'y nabangga nya ako at dahil sa Law of Conservation of Momentum, naipasa ang momentum ni Fred sa akin kaya ako bumagsak, shoulder first. Akala ko nadislocate na ung shoulder o di kaya'y nafracture na ung buto sa braso ko dahil sobrang hirap igalaw. Maglalaro pa sana ako kasi masaya ung game kaso ayaw na ni Maam(KJ! joke :D). Ayun, pinanuod ko na lang tuloy na magsaya yung mga kaklase ko

P.S. Okay naman ang braso't balikat ko :D

VARIATION: Hindi na aim na matag ung ulo ng "head" ng isang bilog para maeliminate. Dapat ay iwasan ng bawat "head" na dumikit sa pumapalibot sa kanyang bilog. Pag dumikit ang head sa circle ng mga comembers nya, eliminated na ang group.

MVP: FRED. Lagi akong nauutakan. Haha. Di man lang ako nakabawi



ROCK ON METER
TOP 2: BATO BALANI
AWARD: BEST SCIENCE IDEA FOR PHILGAMES AWARD

Napasobra yata ung pagkacompetitive ko sa larong ito. Nakakakonsensiya ako sa nangyari kay Nicole. Parang sobrang nalakasan ko ung paghila tapos di ko namalayang kinakaladkad ko na pala siya. Peace Nicole :) After nung incident na yun wala ng gustong pumunta sa sides ko. Ung mga malalaki (sorry sa term) na lang tuloy ung mga pumupunta sa akin. Parang natakot na tuloy sila sa akin. izzsosaad :((

P.S. 7-1 Tambak ang kalaban :))
P.P.S. Salamat kay Hitomi para dun sa 1 point ng group namin
VARIATION: Ipagcocombine ung idea ng Night and Day. Magtotoss ng coin. Magkakaroon ng time limit bawat round. Kung alin man team ang nakapili dun sa lumabas na figure sa coin, sila ang kailangang maka-tag sa bato-balani bago maubos ang oras. Ang aim ng kabilang group ay pigilan sila hanggang sa maubos ung oras.

MVP: FITZ. Kailangan pa bang i-memorize yan? :D


ROCK ON METER

TOP 1: TAKTIKA 10

AWARD: BEST STRATEGY GAME, MOST TIME-CONSUMING, MOST MIND-BOGGLING

Fan na fan kasi ako ng games na pautakan kaya ito ang napili kong Top 1 sa aking list of favorites. Simple lang ung mechanics pero rock-on \m/ na ung game. Kaso parang may naisip akong loophole ng game na ito noon, ung taking turns ang bawat group. Parang may advantage ung last group na magmomove, kaya kami nanalo :P

VARIATION: Simultaneous na ang paggalaw ng bawat group at bawal mag-usap ang hindi magkagroup. Feel ko mas challenging at nakakapiga ng utak pag ganito dahil di mo na alam kung sino ang tatanggalin, pano ung galaw, etc. Mas mapapabilis din siguro ang laro pag ganito. Di na aabutin ng isang oras :D


MVP: Kakapalan ko na ang mukha ko. AKO ANG MVP! :D 
Runner-ups sa pagka MVP: EMMA at ALEX
(Well, kaming tatlo kasi ung vocal sa pagstrastrategize nung gameplan)



Sunday, April 29, 2012

TOP 5 PHILIPPINE GAMES


Top 5: MORO - MORO (a.k.a AGAWAN BASE)

Award: Most Chaotic Game


Basically, ang aim ng laro ay makabase sa kalabang koponan ng hindi natataya. Kung sakaling mataya ka man, magiging bihag ka ng kalabang koponan at wala ng ibang magagawa kundi umasa na masagip ng mga kasama.

Marami akong nataya sa kabilang grupo pero isa lang ung nakarealize na nataya siya. Akala ata ng ibang mga nataya ko e kasama nila ako kaya wala silang kamuwang-muwang na nataya na pala sila. Pero di ko sila masisisi. Sa dami ba naman ng players at sa liit ng playing area, sino bang di maguguluhan sa kung sino ang kakampi, kaaway o kung sino ang mas bagong "base".

ROCK-ON METER



Top 4: LAWIN AT SISIW

Award: Most Exhausting Game

MVP: Fitz


Mechanics: Sa original game, kailangan ng lawin na mataya ang sisiw sa dulo ng linya. Ang inahin naman, kailangan protektahan ang dulong sisiw mula sa lawin. Pag magawang mataya ng lawin ang dulong sisiw, magpapalit ng role. Sa variation, may 2 inahing mag-aagawan ng sisiw.

Hindi ako naging lawin o sisiw sa buong laro dahil nasa bandang unahan ako ng linya. Pero di ko pa rin maintindihan kung bakit dito ako napagod ng sobra. Ang galing ni Majo na pumrotekta ng sisiw dun sa original game kaso outmatched siya kay Fitz dun sa variation ng game.

ROCK-ON METER



Top 3: AGAWAN-PANYO

Award: Most Challenging Game

MVP: KC


Mechanics: Bawat miyembro ng grupo ay maaassign sa isang number. Sa bawat round, tatawag ang moderator ng number at kailangan magunahan ng mga naassign sa number na yun sa bawat grupo na kunin ang panyo at ibalik sa grupo ng hindi natataya.

Mas maganda kung ang playing area ay isang semi-circle at nasa gitna ang moderator. Medyo unfair kasi sa grupong nasa likod ng moderator kapag kukunin ung panyo dahil, most of the time, ay nakaharang ung moderator pag mag-aattempt na kunin ung panyo.

Yung variation ng reporters ang nagpaganda ng game, yung magsosolve muna ng isang mathematical equation para malaman ung number na kailangang kumuha ng panyo.

ROCK-ON METER




Top 2: BASKET NG PRUTAS

Award: Most Puzzling and Mind Boggling Game


Simple lang ung mechanics pero mahirap i-explain. Basta ang kailangan lang e dapat alerto ka lagi: kung sino ang taya, kung sino ang pain at kung saan siya pupunta. Kung hindi, madali ka lang matataya at kung taya ka man, mananatili kang taya for life. :) Masaya siya dahil naglalag ang lahat  ng tao. Haha. Yung iba di alam na pain pala sila bago sila mataya, yung mga taya naman naguguluhan sa kung sino ang tatayain. Wala tuloy akong mapiling MVP. Anyway, simple lang ung game pero fun. SUPER! \m/




ROCK-ON METER

Top 1: BAGBAGTO

Award: Best Variations, Wettest and Wildest Game, Most Rock-On Game \m/

Para sa akin, ito ang pinakamasayang game. Although medyo pareho lang sila ng Pilantikan, ung mga variations ng reporter ung nagpaganda ng sobra nung game. Nagkaroon ng ibang aim ung laro maliban sa ubusan ng lahi.
First Variation: Kailangan makuha ang "special ball" sa kalabang group.
MVP: Arcel. Ang galing nyang pumuslit sa loob para kunin ung bola


Second Variation: Kailangan mabasa ang queen ng kabilang group
Di ko naranasang sumalo/tamaan/mabasa ng water balloon. Tingin ko masakit (ng onti) dahil nakita kong namumula ung lalamunan ng isa kong kagrupo nung tamaan siya, solid na solid!
Ang epic ng ending nung binasa ni Jake si KC habang nageexplain si KC na di pa siya nababasa at habang ung iba'y nakatunganga at nakikinig(sa explanation). Haha.

MVP: Jake


ROCK-ON METER