Top 5: MORO - MORO (a.k.a AGAWAN BASE)
Award: Most Chaotic Game
Marami akong nataya sa kabilang grupo pero isa lang ung nakarealize na nataya siya. Akala ata ng ibang mga nataya ko e kasama nila ako kaya wala silang kamuwang-muwang na nataya na pala sila. Pero di ko sila masisisi. Sa dami ba naman ng players at sa liit ng playing area, sino bang di maguguluhan sa kung sino ang kakampi, kaaway o kung sino ang mas bagong "base".
ROCK-ON METER |
Top 4: LAWIN AT SISIW
Award: Most Exhausting Game
MVP: Fitz
Mechanics: Sa original game, kailangan ng lawin na mataya ang sisiw sa dulo ng linya. Ang inahin naman, kailangan protektahan ang dulong sisiw mula sa lawin. Pag magawang mataya ng lawin ang dulong sisiw, magpapalit ng role. Sa variation, may 2 inahing mag-aagawan ng sisiw.
Hindi ako naging lawin o sisiw sa buong laro dahil nasa bandang unahan ako ng linya. Pero di ko pa rin maintindihan kung bakit dito ako napagod ng sobra. Ang galing ni Majo na pumrotekta ng sisiw dun sa original game kaso outmatched siya kay Fitz dun sa variation ng game.
ROCK-ON METER |
Top 3: AGAWAN-PANYO
Award: Most Challenging Game
MVP: KC
Mechanics: Bawat miyembro ng grupo ay maaassign sa isang number. Sa bawat round, tatawag ang moderator ng number at kailangan magunahan ng mga naassign sa number na yun sa bawat grupo na kunin ang panyo at ibalik sa grupo ng hindi natataya.
Mas maganda kung ang playing area ay isang semi-circle at nasa gitna ang moderator. Medyo unfair kasi sa grupong nasa likod ng moderator kapag kukunin ung panyo dahil, most of the time, ay nakaharang ung moderator pag mag-aattempt na kunin ung panyo.
Yung variation ng reporters ang nagpaganda ng game, yung magsosolve muna ng isang mathematical equation para malaman ung number na kailangang kumuha ng panyo.
ROCK-ON METER |
Top 2: BASKET NG PRUTAS
Award: Most Puzzling and Mind Boggling Game
Simple lang ung mechanics pero mahirap i-explain. Basta ang kailangan lang e dapat alerto ka lagi: kung sino ang taya, kung sino ang pain at kung saan siya pupunta. Kung hindi, madali ka lang matataya at kung taya ka man, mananatili kang taya for life. :) Masaya siya dahil naglalag ang lahat ng tao. Haha. Yung iba di alam na pain pala sila bago sila mataya, yung mga taya naman naguguluhan sa kung sino ang tatayain. Wala tuloy akong mapiling MVP. Anyway, simple lang ung game pero fun. SUPER! \m/
Top 1: BAGBAGTO
ROCK-ON METER |
Award: Best Variations, Wettest and Wildest Game, Most Rock-On Game \m/
First Variation: Kailangan makuha ang "special ball" sa kalabang group.
MVP: Arcel. Ang galing nyang pumuslit sa loob para kunin ung bola
Second Variation: Kailangan mabasa ang queen ng kabilang group
Di ko naranasang sumalo/tamaan/mabasa ng water balloon. Tingin ko masakit (ng onti) dahil nakita kong namumula ung lalamunan ng isa kong kagrupo nung tamaan siya, solid na solid!
Ang epic ng ending nung binasa ni Jake si KC habang nageexplain si KC na di pa siya nababasa at habang ung iba'y nakatunganga at nakikinig(sa explanation). Haha.
MVP: Jake
ROCK-ON METER |