TOP 5: MAY I TOUCH YOUR HAND
AWARD: MOST EXHAUSTING GAME, YOU AND ME AGAINST THE WORLD AWARD, etc.(format: *insert cheesy line* AWARD) :))
Sa game na ito ako sobrang pinagpawisan to the max level. Haha. Ang ganda nung timing nung pagvolunteer ko para maging taya. Feel ko mas enjoy maging taya kaysa maging gwardiya kahit na parang unfair lang ung rules. e.g. pag nabreak ung bond nung circle e aayusin ulit. Para kasing pwedeng sadyain ung pagbreak ng bond para di makahawak ng kamay ung mga taya.
VARIATION: Wala ng restrictions sa taya. Pwede ng pumasok sa loob ung mga taya. Pwede ring magbreak ng bonds ang mga guards.
MVP: Si FITZ na lang. Kami na lang ni ABI ung MVC (Most Valuable Couple) Joke. (Lagot nko pag nabasa ni Krizelle to (Oops ulit!) :)))
AWARD: MOST INNOVATIVE
Ang galing ng (mga) nakaisip ng game na ito. Napakainnovative kasi nito. Wala akong maisip na game na minodify or ginayahan ng mechanics para mabuo ung idea ng mechanics ng game.
Parang nandaya ako sa game na ito. Nakapants kasi ako tapos sa pinagsusuotan ng belt(sorry. di ko alam ang tawag) ko nilagay yung panyo. So lahat nung nagattempt na kunin ung panyo ko ay nagfail. Hahaha.
Meron ung ibang groups na never give up ang mode. Hahaha. Tipong nakuha na't lahat lahat ung panyo nila pero di pa rin bumibitaw. :))
VARIATION: Kailangan na din isabit ung mga nakuhang panyo sa likod. Parang NBA playoffs na ung magiging scheme ng game. Kailangan makakuha ng panyong kasindami ng mapagdedesisyunan ng mga moderators para makapasa sa next round.
MVP: KRIZIA at ALEX. Andami nilang nakukuhang panyo.
TOP 3: AWAY NG MGA KOMANG
ROCK ON METER |
AWARD: MOST BRUTAL GAME
Actually, ung mechanics ng game na ito halos kapareho ng naisip ng group namin as variation nung Buwan-Buwan. Kaso napag-usapan naming gawin na lang invented game namin kaya di na lang namin ginawang variation. Ewan ko ba kung bakit di na namin naalala na may idea na kaming ganito for invented game.
Ito para sakin ang naging pinakabrutal para sa akin dahil dito ako nagka-"minor" injury. Haha. Dahil so sobrang pagkacompetitive ng group nila Fred, napasobra ung talon nya para abutin ang ulo ko. Pagkababa'y nabangga nya ako at dahil sa Law of Conservation of Momentum, naipasa ang momentum ni Fred sa akin kaya ako bumagsak, shoulder first. Akala ko nadislocate na ung shoulder o di kaya'y nafracture na ung buto sa braso ko dahil sobrang hirap igalaw. Maglalaro pa sana ako kasi masaya ung game kaso ayaw na ni Maam(KJ! joke :D). Ayun, pinanuod ko na lang tuloy na magsaya yung mga kaklase ko
P.S. Okay naman ang braso't balikat ko :D
VARIATION: Hindi na aim na matag ung ulo ng "head" ng isang bilog para maeliminate. Dapat ay iwasan ng bawat "head" na dumikit sa pumapalibot sa kanyang bilog. Pag dumikit ang head sa circle ng mga comembers nya, eliminated na ang group.
MVP: FRED. Lagi akong nauutakan. Haha. Di man lang ako nakabawi
ROCK ON METER |
TOP 2: BATO BALANI
AWARD: BEST SCIENCE IDEA FOR PHILGAMES AWARD
Napasobra yata ung pagkacompetitive ko sa larong ito. Nakakakonsensiya ako sa nangyari kay Nicole. Parang sobrang nalakasan ko ung paghila tapos di ko namalayang kinakaladkad ko na pala siya. Peace Nicole :) After nung incident na yun wala ng gustong pumunta sa sides ko. Ung mga malalaki (sorry sa term) na lang tuloy ung mga pumupunta sa akin. Parang natakot na tuloy sila sa akin. izzsosaad :((
P.S. 7-1 Tambak ang kalaban :))
P.P.S. Salamat kay Hitomi para dun sa 1 point ng group namin
VARIATION: Ipagcocombine ung idea ng Night and Day. Magtotoss ng coin. Magkakaroon ng time limit bawat round. Kung alin man team ang nakapili dun sa lumabas na figure sa coin, sila ang kailangang maka-tag sa bato-balani bago maubos ang oras. Ang aim ng kabilang group ay pigilan sila hanggang sa maubos ung oras.
MVP: FITZ. Kailangan pa bang i-memorize yan? :D
ROCK ON METER |
TOP 1: TAKTIKA 10
AWARD: BEST STRATEGY GAME, MOST TIME-CONSUMING, MOST MIND-BOGGLING
Fan na fan kasi ako ng games na pautakan kaya ito ang napili kong Top 1 sa aking list of favorites. Simple lang ung mechanics pero rock-on \m/ na ung game. Kaso parang may naisip akong loophole ng game na ito noon, ung taking turns ang bawat group. Parang may advantage ung last group na magmomove, kaya kami nanalo :P
VARIATION: Simultaneous na ang paggalaw ng bawat group at bawal mag-usap ang hindi magkagroup. Feel ko mas challenging at nakakapiga ng utak pag ganito dahil di mo na alam kung sino ang tatanggalin, pano ung galaw, etc. Mas mapapabilis din siguro ang laro pag ganito. Di na aabutin ng isang oras :D
MVP: Kakapalan ko na ang mukha ko. AKO ANG MVP! :D
Runner-ups sa pagka MVP: EMMA at ALEX
(Well, kaming tatlo kasi ung vocal sa pagstrastrategize nung gameplan)